Kabataan NOON at NGAYON
Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay tila ba nalalayo na sa mga kaugalian ng mga kabataan noong sinauna. Kung ikukumpara ang mga kabataan ngayon at noon, mas nanaisin ko pang mabuhay na lamang sa sinaunang panahon na kung saan ang mga kabataan noon ay responsable pa at isang tawag lang ng kanilang magulang sa kanila ay pupunta na agad sila. Hindi kagaya ngayon na kahit makailang tawag na ang magulang nila ay hindi parin sila susunod. Aantayin muna nila na magalit ang mga ito bago sila sumunod. Kung ikukumpara ang mga kabataan noon at ngayon, mas nagiging tamad na sila ngayon. Dahil narin sa mga teknolohiyang nauuso ngayon. Mga larong nakakaadik. Isa sa mga ito ay ang ML o mas kilala bilang Mobile Legend. Mapababae man o lalake ay naaadik narin sa larong ito. Halos hindi na sila natutulog, makapaglaro lamang sila nito. Nakakaligtaan na din nilang kunain sa tamang oras. Pati ang kanilang pag-aaral ay napapabayaan narin. Hindi na sila nakakatulog ng mahabang oras dahil sa paglalaro. Masakit mang isipin ngunit mas madami na silang alam sa mga larong ito kesa sa kanilang mga napag-aaralan sa paaralan. Ang dota din ay isa sa mga kinaaadikang laro ng mga kabataang kalalakihan ngayon. Ang mga larong ito ay nagdudulot ng masama sa ating mga kabataan ngayon. Sa kanilang pag-aaral, pag-uugali at pati narin ang kanilang kalusugan. Kaya't kung mabibigyan lamang ako ng pagkakataon upang ibalik ang nakaraan, sa panahon kung saan wala pang mga larong ganito, mga kabataang isang tawag lamang ng kanilang magulang ay agad silang pumupunta, ay nagagalak akong ibalik ang lahat ng ito. Dahil ito ang alam kong mas makakabuti sa atin, sa ating mga kabataan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento