Kabataan NOON at NGAYON
Ang mundong kinabibilangan natin ngayon ay puno ng pagbabago. Mapa-tao man, mga presyo ng bilihin, pag-uugali ng isang tao at iba pa. Ang pagbabagong ito ay hindi natin kayang pigilan kung hindi natin nanaisin. Ngunit kung nais mo talagang mapanatili ang ating nakasanayan, malaki ang posibilidad na mapapanatili natin ito. Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay tila ba nalalayo na sa mga kaugalian ng mga kabataan noong sinauna. Kung ikukumpara ang mga kabataan ngayon at noon, mas nanaisin ko pang mabuhay na lamang sa sinaunang panahon na kung saan ang mga kabataan noon ay responsable pa at isang tawag lang ng kanilang magulang sa kanila ay pupunta na agad sila. Hindi kagaya ngayon na kahit makailang tawag na ang magulang nila ay hindi parin sila susunod. Aantayin muna nila na magalit ang mga ito bago sila sumunod. Kung ikukumpara ang mga kabataan noon at ngayon, mas nagiging tamad na sila ngayon. Dahil narin sa mga teknolohiyang nauuso ngayon. Mga laron...